Wednesday, April 29, 2009

Filmar Autotrends

Update: Filmar Autotrends New Address

Dinala ko si Sebastian kay Mang Rod ng Filmars para magpaschedule ng tune-up. First time kong pumunta sa kanila kaya nahirapan akong maghanap. Naligaw pa tuloy ako, napunta pa akong SM Marikina para lang maka U-turn pabalik, hehe.

Para sa mga naghahanap kay Mang Rod, eto ang directions.


Filmar Autotrends (click for wikimapia link)
Katipunan Ave., (behind UCPB - Blue Ridge A Branch)

Ang Filmars ay nasa kabila ng Meatshop at RATS. Katabi siya ng UCPB Blue Ridge A Branch. Take note, Blue Ridge A. May isa pang branch sa may Ateneo, iba na yon. Loyola Branch yon.

Kung manggagaling ng Ateneo side, dumirediretso lang hanggang sa bago umabot ng Boni Serrano. Mag U-Turn, nasa bandang kanan na agad ang UCPB at ang pasukan sa Filmars ay nasa gilid lang nito, left side.

Maraming nagpapagawa kay Mang Rod, usually puro Suzuki Vitara. Pero lahat naman daw kaya nyang tirahin, basta huwag lang electrical at aircon. Ayos lang, meron namang Reys Electrical sa Cubao at Marikina para sa electrical repair.

Kaya bago kayo magpunta ng Filmars, tumawag muna kay Aling Nene sa 439-8759.

Also, medyo mahirap ang paatras dahil medyo matarik.

Filmar Autotrends Katipunan - Mang Rod
Eto si Mang Rod, habang chinecheck-up si Sebastian

UPDATE: GoogleMaps. Para mas madaling hanapin


View Filmar Autotrends in a larger map

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...