Wednesday, August 20, 2008

plantsa

nasira ni kumander ang plantsa kaya dinala namin kay ate para ipagawa kay kuya rod, wala kasi akong gamit sa apartment. kaso dahil marami ring ginagawa, hindi na naasikaso. ako na rin tuloy ang gumawa. success!

tapos sabi ng pamangkin ko, sira rin daw yung plantsa nila. mas masakit sa ulo ayusin ang plantsa nila kasi yun yung type na pwedeng lagyan ng tubig, tapos built in sprayer.

tip #1 karamihan ng sira ay nakukuha sa linis

chineck ko muna yung pang adjust ng temperature, at yun, na stuck pala.
pero para sure, binuksan ko na rin yung loob.

tip # 2 kung paano inalis ganon rin ibalik

kailangan hindi halata na pinakialaman mo lalo na kung hindi mo rin maaayos. buti na lang camphone ang dala ko.

Inside the Plantsa


tip # 3 hindi masamang doblehin ang kodigo

Closer look of inside the plantsa

tip # 4 mas matibay ang plantsa na lumang style kesa sa me built in atomizer chuva

nagcacalcify ang water sa loob, saka mas complicated ang design mas malaki chance na may masira.

dalawang plantsa working at the end of the day, happy day for me.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...