nagpuyat kami ni rik para gumawa ng report dahil kakarnehin na kami pag di pa namin natapos gawin yung 307 pages na report, back to back. ok na sana kaso yung header may WRONG SPELLING kaya nag reprint ulit kami. hindi ko aaminin na ako yung may kasalanan, hehehe. kung bakit ba naman kasi walang spellcheck kung kelan ka nagmamadali mag print.
nakagawa pa kami ng mnemonics para madalian sa pag print ng back to back.
ONER. Odd pages, Normal. Even pages, Reverse. bahala na kayo mag imagine kung pano.
lintek naman kasi tong printer, ayaw mag print ng isang tuloy tuloy na 307 pages, nagpapahinga ng ilang seconds pag napapagod. tapos pag minalas, susumpungin ng paperjam.
tapos napagana ko na sa wakas yung replication server sa mysql. me spare server kasi dito na pinaglalaruan ko, bale gumagana na ulit siya. tapos para may pakinabang ginawa kong replication server kaso di ko naman magawa dahil either 1) busy ang server or 2) busy ako. ngayon sa wakas dahil nag overtime kami napagana ko na rin, yehey! next na gagawin, mailer saka cron chuva. si master k0n ang idol ko pagdating sa linux, ibang level na sya. kumbaga ako padawan, sya jedi master na, ay teka, hindi. yoda na pala sya.
teka gutom na kami, alis muna.
No comments:
Post a Comment