Showing posts with label office. Show all posts
Showing posts with label office. Show all posts

Saturday, February 7, 2009

Bagong Network Printer

Dumating na yung bago naming network printer, yehey!

Malinis na malinis pa


HP LaserJet 5200n

eto yung specs



May kapatid na yung luma naming HP Laserjet 5100 printer. Compared sa older brother nya, mas mabilis syang magprint. Siguro dahil upgraded and memory nito - 512Mb. Di pa dumadating yung hard disk ng printer.

Ayos na ayos tong printer na to, mababawasan na ang pila kapag nagpriprint ng mga maps sa A3.

Tuesday, December 30, 2008

Ubuntu Part 2

dual lcd, side by side


monitor + lcd


final setup
bawal daw dumoble ng monitor dahil bilang

Saturday, December 20, 2008

Exodus

Dumating na ang mga bago naming PC, at ang department namin ang unang bibigyan. Syempre kasi kami rin naman ang mag sesetup ng mga PC kaya una muna kami, hehehe.

Yun nga lang, kelangan naming matuto/mag-aral/magpakabihasa sa ubuntu linux dahil puro ubuntu ang gagamitin ng department namin, na may virtual machine para sa hindi pirated na windows xp.

Sa susunod na ang pics, pag napagana ko na ang USB para sa phone data cable.

Merry Christmas!

Thursday, August 14, 2008

space

maaga akong pumasok ngayon para maikabit ko yung harddisk. tagal kasing dumating ng inorder kong sata data/power cable.

Thursday, July 24, 2008

daga

may nag seminar sa office namin kanina, mga taga sun life financial. syempre presentation chuva kaya mega-pakinig naman kaming lahat (basta mapapahinga kami sa trabaho, welcome ang mga ganyang seminar). pinakita nila kung paano ma beat ang inflation through investments, etc etc.

kunyari nakikinig ako pero sa totoo lang, mahirap intindihin yung explanation nung nag present. kaya mas maganda kung mag research na lang ng sarili.

http://www.sunlife.com.ph/

ang pinopromote nila ngayon ay investment + insurance. i think mas ok tong mga ganitong investment option kesa sa diretso sa stock market, lalo na kung wala kang oras para magcheck araw araw ng performance ng stocks mo.

natapos rin ang presentation after 2 hours. mas masaya sana kung me libreng pameryenda.

[UPDATE]

ayun nasagot ang aking kahilingan. may dumating na pizza. thank you lord at wala akong ginastos ngayong maghapon, hahahaha!

nilatag ang pizza
after a few minutes
gone in 12 minutes

maraming salamat sa aming sponsor, kay prof greg na nagbirthday noong july 15.
maraming salamat rin sa lotsa pizza, maski na mahal ang softdrinks nila.
*burp*

Saturday, July 19, 2008

pintura

parang dinaanan ng bagyo

nagpipintura kami ng office ngayon. buti hindi gaanong maamoy yung pinturang ginamit kaya pwede kaming umistambay sa loob. problema ko na lang eh yung pagbabalik ng lan cables. yari na naman ako nito sa lunes, hehehe.

Saturday, July 12, 2008

mysql replication server

maayos ang arrangement

nagpuyat kami ni rik para gumawa ng report dahil kakarnehin na kami pag di pa namin natapos gawin yung 307 pages na report, back to back. ok na sana kaso yung header may WRONG SPELLING kaya nag reprint ulit kami. hindi ko aaminin na ako yung may kasalanan, hehehe. kung bakit ba naman kasi walang spellcheck kung kelan ka nagmamadali mag print.

nakagawa pa kami ng mnemonics para madalian sa pag print ng back to back.
ONER. Odd pages, Normal. Even pages, Reverse. bahala na kayo mag imagine kung pano.

lintek naman kasi tong printer, ayaw mag print ng isang tuloy tuloy na 307 pages, nagpapahinga ng ilang seconds pag napapagod. tapos pag minalas, susumpungin ng paperjam.

bawal galawin

tapos napagana ko na sa wakas yung replication server sa mysql. me spare server kasi dito na pinaglalaruan ko, bale gumagana na ulit siya. tapos para may pakinabang ginawa kong replication server kaso di ko naman magawa dahil either 1) busy ang server or 2) busy ako. ngayon sa wakas dahil nag overtime kami napagana ko na rin, yehey! next na gagawin, mailer saka cron chuva. si master k0n ang idol ko pagdating sa linux, ibang level na sya. kumbaga ako padawan, sya jedi master na, ay teka, hindi. yoda na pala sya.

teka gutom na kami, alis muna.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...