Tuesday, October 21, 2008

thunderbird at gmail

sa wakas medyo bumilis bilis na ang pag aattach ng thunderbird sa gmail. di ko sure kung gmail ba ang me problema o yung network/proxy namin, pero ok na sya ngayon. nag test ako ng 16mb na attachment, 3-4 minutes lang na send na.

para sa mga may thunderbird, eto yung mga gamit kong add-ons.

Contact Sidebar

Parang outlook express ang style. Magdadagdag ng sidebar sa kaliwa, tapos mas madaling i manage yung mga contacts kasi nakadisplay na kaagad. Pwede ring mag diretsong send ng email pagka click sa contacts.

Send Later

Para makapag set ng oras at petsa kung kelan isesend yung mga email, eto yung bagay na add-on para sa yo. Saan to pwedeng magamit? Birthday greetings, lahat ng kakilala mong may birthday gawan mo na ng email para di mo makalimutan, tapos send later. O kaya, yung mga email mo sa kaopisina mo pagsunod-sunurin mo ng pila sa send later, tapos i set mo yung oras na saktong lunchtime, meryenda, o kaya iwanan mo yung PC mo sa office tapos kunwari nag oovertime ka para mag email. Hehehehe.

Kung wala ka pang Thunderbird, mag download ka na dito.

May version rin ng Thunderbird na pwedeng sa USB patakbuhin, ang ThunderbirdPortable.

Saka na ulit ang blogging, may mga email pa akong isesend.... later. ^_^

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...