Saturday, October 18, 2008

Tom's World

Itinakbo raw sa NKTI si tatay celso, pero hindi naman emergency. Sa Robinsons Galleria na ako nakahabol dahil mamimili raw si kumander at nanay ni kumander ng pangregalo sa mga pamangkin.

Dahil sa naaaaaapakatagal naman talagang pumili ng regalo ng dalawa eh pumunta kami ni tatay celso sa toms world para mag usisa.

retired aircraft technician


Naglaro ako ng parang slot machine. Nung una lang ako nanalo (10 coins! wee!) kaso nakaubos naman ako ng mas marami pa. Lintek parang casino. Naintindihan ko tuloy kung bakit masaya sa Las Vegas at kung bakit kumikita ang Pagcor.

Dahil tingin ko nadaya ako sa lintek na slot machine, sa iba ako naman ako nag try. Yung kakailanganin ang skill. Nakakita ako ng mga stuffed toy na nakukuha using cranes. Pwede na to sa 1 coin per game.

Eto ang mga nakuha ko.

Elmo. Elmo loves you!

Daffy Duck


Hello Kitty

Eto lang ang hindi namin maiuwi.


Yan ba ang itinakbo sa ospital?

Bawal po iyan iuwi

Marami pang natirang token dahil ang promo nila ay 200 pesos = 40 + 20 tokens. More tokens = more stuffed toys.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...