Friday, April 24, 2009

New Tools - Creston Screwdrivers and Pliers

Nagsisimula na ulit akong mag ipon ng tools na pang butingting. Namili kami ni kumander sa Trinoma ng pliers at set ng screwdriver at philips. Mahirap kasing bumili ng isahan na lang ng mga kailangan, kaya paunti-unti ko lang iipunin yung mga gamit. Buy as needed. Eh madalas na screwdriver ang kailangan ko kaya ito na ang inuna ko.

Creston Screwdrivers and PliersCreston Tools - mukhang Stanley dahil yellow at black rin.



Creston Screwdriver SetMagnetic Tips, para hindi malaglag ang screw.

Kelangan talaga sa screwdriver ang may magnetic tip, lalo na kung nag aayos ka ng pc. Tetestingin ko na lang kung matibay rin ba ang Creston brand, yung mga dati kong screwdriver na cheap puro nabungi kaya hindi na mapakinabangan.

May markings rin ng size ang mga screwdriver.

Creston Pliers and ScrewdriversMay mga sizes pa po yan

Yung pliers naman, medyo ok rin dahil makapal ang insulating nya. Pandagdag security na rin sa electrocution. May mas maliit na version pa ito pero yung mas malaki na ang kinuha ko, kasya naman sa kamay. Saka mukhang mas matibay pag malaki.

Set of 4 screwdrivers - 150 pesos. Pliers - 180 pesos.

Next na kelangang bilhin, tool box.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...