Nahilo ako kanina pagdating sa office, dahil siguro sa sirang shock absorber ni Sebastian. Pumipintig pintig yung ulo ko sa sakit. Pinatingnan ko na si Sebastian noong Saturday kay Mang Rod sa Filmar, kaso marami siyang nakapilang trabaho kaya hindi niya rin naisalang at pinapabalik ako next week. 850 pesos daw ang replacement shocks na KYB fluid type plus 250 sa installation.
Hindi ko na maantay ang next week. Kailangan na itong maayos. Ansakit na sa ulo!
Tinawagan ko ang Blaze Marketing, supplier ng parts. Nakausap ko si Mang Joseph, at ang sabi ay 1768 pesos ang KYB na Gas-A-Just. ang problema, pagtawag ko ay naubusan ng stock. "Tawagan mo si Mel (sa Links), yun siguradong meron pa yon".
Sa kabutihang palad, merong stock si Mang Mel, at ang presyo ay 1500 pesos lang. Inulit ko ang tanong,
"Mang Mel, 1500 pesos ang KYB na gas-type? Yung Gas-A-Just na brand?"
"Oo, yung panglikod yan ha, iba presyo ng sa harap. Mas mahal yon."
"Pareserve ho sa akin ng dalawa, kukunin ko na ngayon."
Ang problema ko ngayon, pambayad. Delayed ang sweldo namin, nahiwalay siguro ang voucher kaya hindi agad pumasok yung ibang sweldo at minalas na napasama ang voucher ko. Buti na lang, nandiyan si Rovik, at willing magpautang.
"How much?"
"Bale 1500 times 2, 3 thousand. Tapos 500 para sa installation. 3500 lahat"
Plano ko ay dalahin na lang may Mang Rod ang shocks para siya na ang magkabit. Bumyahe na kaming apat nina Kuya Boyet, Kuya Mark, at Rovik. Pagdating doon, hindi pala nagkakabit ang Links ng mga parts, nagbebenta lang talaga sila. Pero itinuro ni Mang Mel yung isang nakatambay na mama na pwede raw magkabit. Siya raw si Mang Norton. (parang anti-virus ah)
"Magkano ho ang pakabit ng shocks?"
"350 na lang para sa yo."
"350 isa o dalawa na ho yon?"
"Dalawa na, pares yan eh."
"Wala bang discount? 300 na lang!"
Hindi pa nakaka-oo si Mang Norton, nakahanda na ang jack at ang mga pang-alis ng gulong ng kanyang mga alalay.
Ok na sana ang trabaho nila, kaso yung lumang pang-mount ang ginamit. Lumang turnilyo, bushing, at washer. Buti na lang napansin agad ni Kuya Boyet at inireklamo. Pinalitan naman agad. May balak pa atang dugasin yung kasamang bushing at turnilyo ng bagong shocks. Nagpalusot pa ang mga loko, sabi hindi raw kasya, pero napagkasya naman. Kaya pag nasa Banawe, dapat may kasama talaga para hindi nagagantso. Puro wais ang mga tao don lalo na sa sasakyan. Mukha pa namang pulis si Kuya Boyet kaya hindi na rin sila nakareklamo, hehehe.
Habang nagkakabit ng shocks, yung ibang mga alalay ni Mang Norton ay nag-inspeksyon kung ano pa ang pwepwede nilang mai-offer sa akin.
"Boss, yung axle boot nyo sira na magkabila. Pwede nating palitan yan."
"Magkano?"
"1200 na lang, magkabila na yon kasama na labor"
"Pagbalik ko na lang, kulang pa dala kong pera."
Another lesson: Huwag agad maniniwala. Saka kung mga delikadong parte ng sasakyan ang aayusin, mas maganda kung sa matinong talyer na dadalahin dahil mas maayos ang trabaho.
Malapit na matapos ang installation. Ang problema, buong 500 ang natirang pera ko, at walang barya sa Links. Sabi ni Mang Mel, "Pambayad ba sa labor? Me barya yan, malakas raket nyang mga yan eh."
Nagdadalawang-isip ako ngayon kung ibabayad ko ba ang 500, dahil baka biglang itakbo ang pera. Sayang ang nadiscount ko. Pero mukhang mabait si Mang Norton at sinulian naman ako ng 200. Another lesson: Huwag hihiwalayan ang taong pinagbayaran hanggat wala pang sukli, or much better, magpabarya na bago pa magpagawa.
Pagkatapos gawin, ininspeksyon muna ni Kuya Boyet ang pagkakakabit habang kinukuha ko yung pinagpalitang shocks. Huwag iiwanan ang pinagpalitan, pwede pa itong ma-repair. Kinuha ko talaga lahat pati turnilyo, hehe. Baka mamaya kung sino pang malas na nilalang ang paggamitan nila ng lumang pyesa.
Dalawang oras lang inabot lahat, kasama na ang pag byahe namin papunta at pabalik.
Mas komportable na ang pag-uwi namin, hindi na matalbog maski hindi mag-break sa humps. Maraming salamat kay Rovik at may pera siyang natira. Maraming salamat rin kina Kuya Mark at Kuya Boyet dahil sumama sila at binantayan ang sasakyan, pati na ang muntikang palpak na trabaho ng mga nagkakabit.
3300 pesos, tanggal ang sakit ng ulo. Masakit naman sa bulsa.
Eto ang contact information ng mga nabanggit:
Blazer Marketing
66 Kitanlad St., corner Banawe (near E Rodriguez)
7327541, look for Joseph
Links Marketing
129 Banawe St., Quezon City (near Bank of Commerce)
711-4231, 7113788, look for Mel
Filmar Autotrends
Katipunan Ave., (behind UCPB - Blue Ridge A Branch)
439-8759, look for Rod or Nene
3 comments:
bro ok pa ba yung shocks na binili mo? original KYB ba. Ano ba mas magandang shocks for comfort gas type or fluid type?
original KYB yung nabili ko, gas-a-just.
medyo stiff pa rin ang ride, pero pag kinargahan ko na ng mabigat, swabeng swabe na. kapag pang comfort naman ang gusto mo, mag fluid type ka na lang. mas mura pa ito.
me other brands rin na ok, like monroe saka tokico.
ano ba ang ride mo christian?
fluid type nga daw maganda if comfort ang hanap. sa brand pala ano mas ok kyb or tokico? at anung variant (illuminas, agx, etc..)?
kotse ko is civic lxi 1996 grabe sa stiff parang bisekleta na ramdam na ramdam ko yung lubak, maski maliit na bato ramdam hehe. delikado kasi buntis pa naman si misis kaya need nang palitan.
Post a Comment