Saturday, June 13, 2009

Bisikleta

Kaninang umaga habang nasa byahe ako papasok sa opis, may nakasabay akong mama. Medyo matanda na siya, siguro nasa 60s na ang edad, puti na ang buhok, nakapantalon (slacks, hindi maong), at naka polo, at nakasakay sa bisikleta. Parang ganito yung bisikleta nya.


Naalala ko tuloy bigla si tatay.


Environment-friendly si tatay, bisikleta ang primary mode of transportation niya. Hanggat maaari, hindi siya nagjejeep or bus, pwera na lang kung sobrang layo talaga. Lalong hindi siya nagtataxi, dahil masyadong mahal daw at hindi sulit.

May maliit na basket sa harapan ang bisikleta ni tatay, at may partner na malaking basket sa likuran. Dito inilalagay ni tatay ang mga pinamalengke niya, at noong hindi pa ako nag aaral, dito rin ako isinasakay pag namamasyal kami. Nung hindi na ako magkasya sa basket, nagpakabit ng isa pang upuan si tatay sa crossbar ng bisikleta, kumpleto pati apakan na nakakabit naman sa fork.

Tuwing nagbyabyahe kami ni tatay, marami siyang ikinukuwento. Nakakatuwa, na habang pumapadyak si tatay ay nagagawa pa rin niya akong libangin sa pamamagitan ng kanyang mga kuwento. At hindi lang basta kuwentong kutsero, and mga kuwento niya ay mga totoong nangyayari. Tulad ng kung nasaan ang Quezon City Hall bago ito itinayo sa harapan ng Circle. Sa bisikletang ito ako natutong magtanong at mag usisa. Dito rin ako natuto ng multiplication table (7 times 7 ay 49, o ha!).

Ngayon, nagpapahinga na si tatay. Retired na sa pagbibisikleta. Pero ang mga aral nya ay hindi ko malilimutan.

Happy Fathers Day, Tatay.

2 comments:

Anonymous said...

kaka iyak naman. naiyak ka ba habang ginagawa mo ito?

markus said...

syempre naman

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...